BENEPISYO NG LIMANG HALAMANG GAMOT NA APROBADO NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN
Ang halamang gamot, tinatawag din na yerbang pangmedisina, ay natuklasan at ginagamit sa pagsasanay sa tradisyunal na medisina simula pa noong panahon bago ang kasaysayan. Narito ang ilang halamang gamot na epektibo at aprobado ng Kagawaran ng Kalusugan bilang panlaban o lunas sa iba't ibang uri ng karamdaman:
1.YERBA BUENA (Clinopodium douglasii)
Ang Yerba Buena ay isang angkop na pangalan upang itawag sa isang halaman na nagtataglay ng maraming benepisyo sa pagpapagaling. Ang Yerba Buena sa ingles ay nangunguhulugang "magandang damo" na malapit na naiuugnay sa mga mint na halaman.
BENEPISYO:
-Ang minty na amoy ng Yerba Buena ay tumutulong sa pagpapakalma ng muscles sa respiratory system na makakatulong upang mabawasan ang asthma attacks.
-Ang catechin at polyphenolic compounds na matatagpuan sa Yerba Buemna ay makakatulong labanan ang bacteria at mga viral pathogen na magreresulta sa pinalakas na immunity.
-Ang halamang gamot na ito ay nakikitaan na tumutulong sa pagpapaputi at pagpapalakas ng ngipin habang ginagawang fresh ang hininga.Sa panahon ngayon, makakakita ng mga toothpaste at mouth wash na hango sa halamang ito.
-Ang Yerba Buena ay tumutulong magrelax ang gastrointestinal tract na kung saan pinapadali ang pagtunaw sa tiyan at binabawasan ang tyansa ng kabag.
-Para sa mga dumaranas ng arthritis at iba pang kirot sa mga kasu-kasuan at kalamnan ,ang Yerba Buena ay makakatulong sa paglaban ng kirot sa taglay nitong analgesic properties.
2.ULASIMANG-BATO(Peperomia pellucida)
Ang Ulasimang-Bato o kilala rin sa tawag na pansit-pansitan ay isang uri ng halaman na na tumutubo sa mga basa at nalililimang lugar.Ang dahon at sanga nito ay maaaring kainin,ginagamit ito ng karamihan sa paggawa ng salad at maaaring kainin ng hilaw. Ang halaman na ito ay napatunayang mainam para sa kalusugan.
BENEPISYO:
-Ayon sa mga siyentista, mainam itong pananggalang sa sakit na cancer, gayundin sa alipunga, pamawi sa pamamaga, pantanggal sa mga kirot at itinuturing din itong refrigerant.
-Sa Pilipinas, ang nasabing halaman ay ginagamit bilang remedyo sa pamamaga at pag ataki ng pananakit ng mga kasukasuan lalo na ng hinlalaki ng paa at rayuma na kapwa bunga ng mataas na uric acid.
-Sinasabi rin na ang dinikdik na dahon nito ay maaaring gamitin upang gamutin ang tagyawat,pigsa at nagnanaknak na butlig sa balat.
-Taglay ng dahon ng ulasimang-bato ang mataas na ash content, mataas na lebel ng carbohydrate content at crude fiber-pawang mahusay para sa katawan.
3.SAMBONG(Blumea balsamifera L. DC) Ang Blumea balsamifera o mas kilala sa pangalang sambong ay may iba't-ibang health benefits na kinikilala ng kagawaran ng kalusugan. Sa pagsasaliksik ng mga dalubhasa, napatunayan na ang halaman na ito ay maraming benepisyo sa kalusugan.
BENEPISYO:
-Ang Sambong ay maaaring makatulong laban sa bato sa kidney (kidney stones). Sa isang pagsusurri, natagpuan ng mga eksperto na ang Sambong extract ay maaaring magapaliit ng calcium aoxalate crystals. Ang oxalate ay uri ng stones na kadalasang matatagpuan sa kidney.
-Ang Sambong ay nakakatulong sa diuresis o pag-ihi. Ang diuresis o madalas na pag-ihi ay nangyayari kapag maraming fluid na finifilter ang ating mga kidneys.Kahit na mukhang malaking abala ito, nakakatulong ang diures sa pagtanggal ng toxins sa katawan.
-Ang Sambong ay nakakatulong na ibsan ang pamamanas, ibsan ang lagnat, panggamot sa ubo at sipon.
Sa isang mahabang kasaysayan ng paggamot, ang dahon ng Akapulko ay mahabang panahon na nakilala bilang isang karaniwang halaman.Ang paggamit ng dahon na ito ay magbibigay sa iyo ng pananaw sa mga benepisyo nito sa kalusugan, na patuloy na magiging popular sa buong bansa,maging sa ibang bansa.
BENEPISYO:
-Ang Apakulpo ay karaniwang ginagamit bilang isang anti-fungal at antibacterial na gamot para sa mga ibat't ibang mga sakit sa balat katulad ng pangangati,ringworm,ezcema,scabies at iba pang impeksyon sa balat.
-Ang katas nito ay karaniwang ginagamit bilang sangkap sa lotion, sabon at shampoo na may magandang benipisyo.
-Isa sa benepisyo ng Apakulpo ay nasa paggamit nito bilang gamot sa paninigas ng dumi(constipation). Ang mga Akapulko au naglalaman ng saponin, isang laxative na kapaki-pakinabang sa pagpapaalis ng mga parasito sa bituka.
5.TSAANG GUBAT(Carmona Retusa)
Ang Tsaang Gubat ay isang maliit na halaman may matigas na sanga at dahon na naka-kumpol na tumutubo.Ang mga dahon na ito ay karaniwang ginagawang inuming tsaa.
BENEPISYO:
-Ang pag-inom ng tsaa ng halamang ito ay makakatulong sa pagpapahupa ng ubo.
-Napatunayan din na ang halamang ito ay mabisang gamot sa pag-tatae.
-Ang pag-inom ng pinaglagaang dahon nito ay nakakatulong upang makontrol ang lebel ng asukal sa dugo sa taong may diabetes.
Comments
Post a Comment