BENEPISYO NG LIMANG HALAMANG GAMOT NA APROBADO NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN

Ang halamang gamot, tinatawag din na yerbang pangmedisina, ay natuklasan at ginagamit sa pagsasanay sa tradisyunal na medisina simula pa noong panahon bago ang kasaysayan. Narito ang ilang halamang gamot na epektibo at aprobado ng Kagawaran ng Kalusugan bilang panlaban o lunas sa iba't ibang uri ng karamdaman: 1.YERBA BUENA (Clinopodium douglasii) Ang Yerba Buena ay isang angkop na pangalan upang itawag sa isang halaman na nagtataglay ng maraming benepisyo sa pagpapagaling. Ang Yerba Buena sa ingles ay nangunguhulugang "magandang damo" na malapit na naiuugnay sa mga mint na halaman. BENEPISYO: -Ang minty na amoy ng Yerba Buena ay tumutulong sa pagpapakalma ng muscles sa respiratory system na makakatulong upang mabawasan ang asthma attacks. -Ang catechin at polyphenolic compounds na matatagpuan sa Yerba Buemna ay makakatulong labanan ang bacteria at mga viral pathogen na magreresulta sa pinalakas na immunity. -Ang halamang gamot na ito ay nakikitaan na tumutulong sa pagpa...